zayn-at-niall-copy

SA muling pagkikita, naging awkward ang pagkakamay ng dating magkasama sa banda na sina Zayn Malik at Niall Horan sa American Music Awards noong Linggo.

Ini-record ng mga Twitter user kung paano lumapit si Horan kay Malik, na nakaupo sa tabi ng iba pang mga artista.

Tila nagulat si Malik nang makipagkamay si Horan nang bumati sa kanya. Pagkatapos ng pakikipagkamay, nagpatuloy sa paglalakad si Horan.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

Ito ang kanilang unang pagkikita sa publiko simula nang umalis si Malik sa One Direction noong nakaraang taon para simulan ang solo career.

Bago ang kanilang pagkikita, sinabi ni Horan sa ET Online sa red carpet na inaasahan niyang magkikita sila ni Malik.

Orihinal na binuo nina Zayn, Niall, Liam Payne, Harry Styles, at Louis Tomlinson ang One Direction band sa The X Factor U.K. noong 2010.

Ngunit simula nang umalis ni Malik sa banda sa kalagitnaan ng kanilang On The Road Again World Tour, inamin niya na wala ni isa man sa kanyang mga dating kamiyembro ang tumawag sa kanya kahit nangako sila na papanatilihin nila ang matatag na pagkakaibigan. (MB Entertainment)