Ipingpaliban ni Senador Manny Pacquiao ang nakatakdang Senate investigation hingil sa alegasyon ng korapsyon sa Philippine Olympic Committee (POC) na pinamumunuan ni Jose ‘Peping’ Cojuangco.

Ayon sa kalatas na inilabas ng opisina ni Pacman, nagkaroon ng suliranin sa oras matapos magdesisyon ang Senado na ituloy ang budget hearing para sa 2017 budget ng General Appropriation.

Ikinalungkot naman ni dating athletics chief Go Teng Kok ang kaganapan dahilan aniya, tiyak na mababago ang kaisipan nang mga lider ng iba’t ibang national sports association (NSA) kung malalaman nila ang kabulastugan ng liderato ni Cojuangco sa nakalipas na 12 taon.

“Ready na ako para sabihin ang lahat. I’m sure yung mga undecided pa magbabago pag nalaman nila ang lahat,” sambit ni Go.

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!

Matatandaang inilabas din ni Philippine Sports Commission (PSC) commissioner Ramon Fernandez ang umano’y P129 milyon na pondong nakuha ng POC sa sports agency na hindi pa ‘liquidated’ hanggang ngayon.

Nagsampa rin ng TRO (Temporary Restraining Order) si boxing chief Ricky Vargas para pigilan ang eleksiyon sa POC sa Nobyembre 25.

Sinabi naman ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez na tinangka niyang pagharapin sina Cojuangcoa at Vargas para magkasundo, ngunit wala na umanong pagkakataon para rito.