KUALA LUMPUR, Malaysia (AP) – Magsasagawa ang mga pamilya ng mga sakay ng Malaysia Airlines Flight 370 (MH370) ng debris-hunting trip sa Madagascar upang maghanap ng mga clue sa kung ano ang nangyari sa nawawalang eroplano.
Natukoy ng mga awtoridad ang anim na piraso ng wreckage na halos tiyak nang nagmula sa eroplano, na naglaho sakay ang 239 katao habang lumilipad mula Kuala Lumpur patungong Beijing noong Marso 2014.
Sinabi ng Voice 370, samahan ng mga pamilya ng biktima, na lahat ng mga nakuhang debris ay natagpuan sa east coast ng Africa. Naniniwala ang mga pamilya na ang paghahanap sa Madagascar ay magbibigay sa kanila ng kasagutan at closure.