john-prats-copy-copy

INAMIN na ni John Prats ang naging mainit na isyu noon na muntik na talaga siyang lumipat sa GMA-7. Kaya kung natuloy, nasa iisang istasyon na sana sila ng kanyang kapatid na si Camille Prats na dati ring kapamilya.

Lumabas ang isyu noon na inaayos na ang kontrata ni John para sa GMA Network. Pero ayon sa actor, nahirapan siya nang husto sa pagdedesisyon kung tutuloy o mananatili sa Dos.

“Sa totoo lang, eh, isa ‘yun sa pinakamahirap na desisyon para sa akin noon. Alam nila ‘yun. I mean, ang mga taong malalapit sa akin, eh, alam nila na muntik na akong mag-last episode with them,” sey ni John.

Human-Interest

UST, ibinida grades ni Dr. Jose Rizal bilang mag-aaral ng Medisina

Pero mabigat ang loob ni John Prats na iwanan ang pagiging kapamilya.

“Talagang mahirap ‘yun for me. Siyempre wala naman ako sa posisyon to decide if I’m gonna stay or I’m gonna leave,” dagdag paliwanag niya.

Kaya laking tuwa ng actor nang biglang sabihin sa kanya ng ABS-CBN management na gusto pa nilang manatili siya sa kanyang show.

“Nu’ng sinabi ng management na they want me to stay, sobrang hindi na ako nagdalawang-isip kasi parang bahay ko ito, eh. Kumbaga, 24 years na akong nandito sa ABS-CBN. Ito lang ang alam kong network, kaya malaki ang pasasalamat ko sa ABS-CBN,” lahad ni John Prats.

Samantala, aware naman kaya si John Prats na may mga nalungkot dahil hindi natuloy ang paglipat niya sa kabilang istasyon, huh? (JIMI ESCALA)