ryza1-copy-copy

HINDI naman yata tama na ipa-off-the-record ni Ryza Cenon ang pangalan ng kanyang boyfriend na si Pocholo Barretto dahil nababanggit naman na ang aktor sa social media bilang karelasyon nga niya at nababasa pa nga namin ang “I love you” nito sa kanya sa Instagram.

Kaya, pinangalanan na namin ang isa sa mga nagpapangiti sa kanya ngayon at nagpapaganda ng kanyang gising.

Sa shooting ng Ang Manananggal Sa Unit 23B sila nagkakilala. Ilang buwan pa lang ang relasyon nila pero naipakilala na si Ryza sa ibang pinsan ng boyfried na sabi ni Ryza ay, “okay sila.”

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

Pero nilinaw ng dalaga ang career pa rin ang priority niya lalo na ngayong napili siya ng GMA-7 para maging isa sa mga bida ng Afternoon Prime na Ika-6 Na Utos. Kailangan niyang makipagsabayan kina Gabby Concepcion at Sunshine Dizon at kailangang isapuso ang role niya bilang mistress ni Gabby para hindi makulangan sa kanya si Direk Laurice Guillen.

“Sobrang tuwa ko nang mapili ako sa role ni Georgia, hindi ko akalain dahil last akong nag-audition. Naisip ko, marami ang naunang nag-audition na magagaling sa akin. Pumunta pa rin ako sa audition, kaya ang laking gulat ko nang ako ang mapili. Siyempre happy ako dahil feeling ko dumating na ang hinihintay kong break, kaya kailangan kong pagbutihan,” wika ni Ryza.

Nagpapasalamat si Ryza kay Sunshine dahil tinutulungan siya nito sa kanyang mga eksena, lalo na ‘pag mahihirap na eksena. Hindi rin siya nahihiyang lumapit kay Direk Laurice.

“Gina-guide ako ni Direk Laurice. Kinakausap niya ako bago mag-take at sinasabihan kung ano ang dapat kong gawin para tama ‘yung eksena. Okay lang sa akin kung kagalitan niya ako kung para sa ikagaganda ng eksena,” pahayag pa ni Ryza.

Sa first week ng December ang pilot airing ng Ika-6 Na Utos na title pa lang, may dating na. Sabi, after Eat Bulaga ang time slot nito, pero wala pang formal na announcement ang network. (Nitz Miralles)