SANTA ANA, Calif. (AP) — Hinatulan ng 190-taong pagkabilanggo ang isang Southern Californian teacher matapos mapatunayang nagkasala sa child exploitation, kung saan Pinay girls ang kanyang mga biniktima.

Sa report, pumasyal sa Pilipinas ang 65-anyos na si Robert Ruben Ornelas, nakipag-sex sa mga menor-de-edad na babae at ibini-videotaped ang pagtatalik.

Napatunayan ng United States Attorney’s Office ang 7 counts na pagkakasala ni Ornelas, gayundin ang pagpoprodyus ng child pornography.

Ang sentensiya ay ibababa sa dating Orange County teacher sa Pebrero 27, kung saan 190 taong pagkabilanggo ang ipabubuno kay Ornelas sa federal prison.

National

Bagyo sa labas ng PAR, pinangalanan nang ‘Romina’; Signal #1, itinaas sa Kalayaan Islands

Nabatid na matapos ang tatlong biyahe sa Pilipinas ni Ornelas simula 2006, nagdala siya ng video images sa United States, na naglalaman ng pakikipagtalik sa mga batang babae.

Sa iba pang ulat, isang dating ‘Survivor’ contestant ang na-convict naman sa posesyon ng child pornography.

Si Michael Skupin, na nadisgrasya at nagtamo ng sunog sa katawan sa 2001 series “Survivor II: The Australian Outback” at bumalik sa “Survivor: Philippines,” ay idineklarang guilty ng jurors sa Oakland County, malapit sa Detroit, sa apat na count ng child porn possession.

Nahaharap siya sa apat na taong pagkabilanggo, kung saan ang hatol ay ibababa sa Disyembre 27.