Vargas, kumuha ng TRO.

Asahan na ang posibilidad na masuspindi ang Pilipinas sa internasyonal na komunidad sa sports.

It ay matapos isagawa ng kampo ni Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP) president Victorico “Ricky” Vargas ang pinakamatinding paghamon sa estado at liderato ng Philippine Olympic Committee (POC) sa pagsasampa ng mga ebidensiya para makakuha ng Temporary Restraining Order (TRO).

Isinumite ng kampo ni Vargas pati ni Cavite Representative Abraham “Bambol” Tolentino ang Civil Case No. R-PSG-16-01413 CV sa Pasig City Regional Trial Court Biyernes ng hapon na pormal na humihiling sa TRO na magpapatigil sa pagsasagawa ng eleksiyon ng POC na hanggang ngayon ay hindi pa naitatakda ang paggaganapang lugar.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang kaso ay nai-raffle naman sa Branch 159 habang ang hearing para sa pagbibigay ng TRO ay itinakda sa Martes, Nobyembre 22.

Sinabi ng spokesperson ni Vargas na si Atty. Chito Salud na hangad pigilan ng TRO ang pagsasagawa ng eleksiyon hanggang hindi nareresolba ang kontrobersiya hinggil sa diskuwalipikasyon ng kanyang kliyente at kay Tolentino.

“The TRO aims to hold Philippine Olympic Committee elections on November 25 until the controversy surrounding Vargas disqualification is resolved,” ayon kay Salud.

Isa lamang sa kinukuwestiyon sa pagsasampa ng kaso ang diskuwalipikasyon ni Vargas na nakatakdang labanan ang nakaupo sa loob ng 12-taon at naghahangad sa ikaapat na bagong apat na taong termino na si Jose “Peping” Cojuangco para sa pagiging pangulo ng POC.

Hiniling din ni Vargas sa korte na ideklara ito bilang “eligible candidate” sa POC elections matapos hindi mabigyan ng tamang proseso nang ideklara itong hindi pasado sa criteria ng binuo ng POC na election committee.

Matatandaan na diniskuwalipika si Vargas na tumakbo kontra Cojuangco matapos hindi makapasa sa requirements bilang isang “active member,” na ipinapaliwanag ng POC election committee na madalas na pagdalo at presensiya ng isang personahe sa mga itinatakdang pagpupulong ng general assembly.

“Mr. Vargas was deprived of due process when the election committee disqualified him without any formal objection from a POC member and without due notice. Add to this the simplistic and myopic interpretation applied by the election committee to an indistinct eligibility requirement,” sabi ni Salud.

Ipinaliwanag naman ng isang mataas na opisyales ng POC na ang pagkuha ng TRO ay isang lantarang pakikialam ng isang gobyerno sa pribadong organisasyon sa sports at posibleng pagsimulan ng pagpataw ng parusa mula sa International Olympic Committee (IOC). (Angie Oredo)