Patay na nang matagpuan ang isang babae ilang oras matapos itong magpakalasing sa Sta. Mesa, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Inaalam pa ng mga pulis ang sanhi ng pagkamatay ni Kimberly Ramirez, 28, ng 115 Simon Extension, Magsaysay Village, Tondo.

Ayon kay SPO2 Charles John Duran, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 9:00 ng gabi nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa tahanan ng kanyang kaibigan na si Leny Rose Bazar sa 4823 Road 2, V. Mapa Street, Sta. Mesa.

Lumilitaw sa imbestigasyon na huling nakita ang biktima nang dumating itong lasing na lasing sa bahay ni Bazar.

National

VP Sara, bilib kay FPRRD: 'Nakakulong na, pinag-aagawan pa rin ng mga GF sa labas!'

Tinanong pa umano ni Bazar ang biktima kung nais ba nitong magpahinga muna sa loob, ngunit tumanggi umano si Ramirez at sinabing sa labas na lang siya magpapahinga.

At nang balikan umano ni Bazar ang biktima ay wala na itong pulso ngunit isinugod pa rin umano niya sa ospital ngunit huli na ang lahat. (Mary Ann Santiago)