BUMISITA ang Oscar winner at Hollywood heartthrob na si Leonardo DiCaprio sa isang café sa Edinburgh, Scotland para itaguyod ang kamalayan at pagkamulat sa isyu sa kawalan ng tirahan.
Nagtungo ang aktor, na sumikat sa kanyang roles sa The Revenant at Titanic, para mag-lunch sa Home, ang restaurant na nagluluto ng Scottish at French cuisine at ginagamit ang mga kinikita sa mga proyekto sa pagtulong sa mga taong walang bahay.
Dinumog ng madla ang restaurant sa kabila ng maulan na panahon para makita si DiCarpio, na nagpaunlak na pumirma ng autograph bago kumain.
Bumisita rin ang kapwa aktor na si George Clooney sa isang sister café na Social Bites sa Edinburgh noong nakaraang taon. (Reuters)