Patay ang isang opisyal ng Bureau of Customs (BoC) nang tambangan ng isang lalaki na nakasuot ng maskara sa España Boulevard sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Tinangka pang isalba ng mga doktor ng United Doctors Medical Center ang buhay ni Arturo Lachica, 58, abogado at certified public accountant (CPA), deputy commissioner for Internal Administrative Group (IAG) ng BoC, at residente ng Lot 1, Block 4, Magnolia Lane, Bell Fonte Subdivision, Camarin, Caloocan City.

Sa ulat ni PO3 Marlon San Pedro, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 6:40 ng gabi, papauwi na ang biktima sakay sa kanyang Toyota Altis (ABE-1106) nang bigla siyang lapitan ng ‘di pa nakikilalang suspek at pinagbabaril.

Nadaplisan naman si Romulo Delima, 56, personal driver-bodyguard ni Lachica at ligtas naman ang kasama niyang si Ramon Hernandez, 53, contractual employee rin ng BoC na nakatalaga sa IAG.

Probinsya

Lalaking nahaharap sa 26 rape cases, arestado!

Ayon kay Delima, hindi niya nakilala ang suspek dahil sa bilis ng pangyayari.

“Nung naka-stop kami sa Kundiman. Kundiman-España, may biglang bumaril na lang po sa harap ni Sir Art,” kwento niya.

“Galing po sa likod, eh. Tapos ‘di ko alam kung may sasakyan o wala, eh. Tapos yung pagkabaril niya, siguro ‘yung pangatlong baril, nadaplisan ako sa likod.”

Samantala, ipinag-utos ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa pagkamatay ni Lachica.

Sinabi kahapon ni Justice Undersecretary Erickson Balmes na nagbigay na ng direktiba si Aguirre kay National Bureau of Investigation (NBI) Dante Gierran. (MARY ANN SANTIAGO at JEFFREY G. DAMICOG)