billy-at-coleen-copy

PAGKATAPOS lumabas ang paglilinaw at pagtanggi ni Billy Crawford sa lumabas na isyung nakulong siya sa Hong Kong dahil nasapak niya ang Chinese guy na nambastos sa kanyang kasintahang si Coleen Garcia, tumawag ang aming isang source na nagsabing may malaking kulang sa mga ikinuwento ng TV host/singer.

Ayon sa tumawag sa amin, tipong na-sanitize ni Billy ang nangyari. Ang ikinuwento raw ng TV host ay ang bersiyon na hindi magpapahamak sa kanyang sarili.

Kuwento ng source namin, talagang may malaking gulo na nangyari kay Billy at sa Chinese guy.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Itinanggi pa ni Billy na nasuntok niya at wala raw talagang gulong nangyari. Kulang po ang kuwento niyang ‘yun,” banggit pa ng source.

Ang paliwanag ni Billy, kung totoong nakulong siya dahil sa sinasabing pangyayari ay tiyak na ipina-deport na siya sa America. Pero iba ang ikinuwento ng aming source.

“Ayoko na lang lumaki pa ang gulo. Magpasalamat na lang si Billy sa mga kinausap niyang mga umaalalay sa kanya kaya hindi na umabot sa mas malaki pang gulo ang inisidenteng ‘yun,” banggit pa ng source namin. (Jimi Escala)