171116_kylie-versoza_01_riodeluvio-copy

IBINAHAGI ni Ms. International 2016 Kylie Versoza ang sekreto para maging matagumpay na beauty queen.

“You have to have something to contribute to the world,” saad ng beauty queen sa Manila Bulletin Hot Seat. “Make yourself the best that you can be. Be the woman of substance and purpose and just be yourself.”

Sa panayam ng Manila Bulletin, mababatid ang passion at hangarin ni Kylie na makatulong sa maraming tao. Nang tanungin kung ano ang hihilingin niya kung bibigyan siya ng pagkakataon na matupad ang isang kahilingan, aniya: “To grant the wishes of other people that I want to help other people.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ikinuwento rin niya ang kanyang adbokasiya sa mental health na balak niyang pagtuunan ng pansin sa kanyang termino bilang Ms. International 2016. Aniya, nais niyang mapalaganap ang kamalayan sa mga tao na nagagamot ang mental problems. (AIRAMAE GUERRERO)