john-copy

VIRAL sa social media ang pagmumura ni John Estrada sa toll gate ng Cabuyao na ipinost ng nakaengkuwentrong teller.

Negative ang reaction ng netizens na nakabasa sa experience ng isang toll teller (sila ang nagko-collect ng bayad sa toll fee) kay John Estrada. Ipinost sa Facebook ng toll teller ang ginawa sa kanya ng aktor at marami ang nakabasa.

Sa kuwento ng toll teller, nagmura si John dahil walang pambayad sa toll fee at wala pang dalang ID. Si Derek Ramsay daw ang nagmagandang loob na nagbayad sa toll fee ni John.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Hindi malinaw kung magkasunod ang sasakyan ng dalawa, kung convoy sila o coincidence lang na padaan din sa toll gate si Derek. Sabi pa ng toll teller, si Derek ang napahiya sa ginawa ni John.

Sabi pa sa post, kinailangang maghintay ng ilang minuto sa toll gate ni John nang magbabayad sa toll fee niya. Ang feeling ng toll teller, lalong na-bad trip si John dahil nang tanungin siya kung kilala ang actor, wala siyang reaction.

Sabi ng toll teller, sanay siyang makakita ng artista, kaya hindi siya na-amaze na makita si John. Wala rin daw karapatan ang aktor na utusan sila na sundan ito sa Sta. Elena para doon siya singilin ng toll fee.

Malalaman sa kuwento ng toll teller na nakalimutan ni John na dalhin ang kanyang wallet at wala rin siyang nakahandang pambayad ng toll fee, kaya nangyari ang hindi dapat mangyari.

Paano pala kung hindi napadaan si Derek? Sino ang magbabayad sa toll fee ni John? Baka ang nangyari, bumalik na lang ito sa pinanggalingan para balikan ang wallet. (NITZ MIRALLES)