MAAARING ibunyag ng dumi sa iyong smartphone ang impormasyon tungkol sa anumang ginagawa mo, ayon sa bagong pag-aaral.

Sa pagkuha ng chemical residue sa smartphone, maaaring makabuo ang mga siyentista ng University of California, San Diego ng lifestyle sketch tungkol sa nagmamay-ari ng cellphone kabilang ang kanyang diet, health status, mga lugar na pinuntahan at maging ang ginagamit na hygiene products.

Inilahad ng mga researcher na marami silang nakita para gamitin ang paraan na ito para sa pagsusuri, mula sa criminal profiling at forensics hanggang sa pag-aaral sa kalusugan na namo-monitor sa pagkakababad ng tao sa toxins.

Sa analysis, na inilalarawan ngayon sa journal na Proceedings of the National Academy of Sciences, ay hindi pa matutukoy ang indibidwal tulad ng nagagawa ng DNA o fingerprints. Pero ang dumi sa iyong smartphone ay maaaring makapagbigay ng impormasyon tungkol sa iyong pang-araw-araw na aktibidad.

Internasyonal

1 sa 3 college students, nagse-cellphone habang nakikipagbembangan—survey

“All of these chemical traces on our bodies can transfer to objects,” saad ni Pieter Dorrestein, professor ng pharmacology sa UC San Diego School of Medicine, na nanguna sa pag-aaral. “So we realized we could probably come up with a profile of a person’s lifestyle based on chemistries we can detect on objects they frequently use.”

Sa pag-aaral na ito, sinuri ng grupo ni Dorrestein ang kemikal na naiwan at na-trace sa cellphone ng 39 na nagboluntaryong lumahok. Nilinis ng researchers ang apat na section sa bawat phone pati na rin ang walong spot sa kanang kamay ng bawat kalahok. At gumamit ang mga siyentista ng technique na tinatawag na mass spectrometry sa bawat sample para madetermina ang uri ng molecule.

Kapag nasuri na ang mga sample, ikinumpara ng mga researcher ang kanilang natagpuan sa malaking database ng molecules mula sa iba’t ibang commercial products at mga gamot.

Nakita sa resulta ang mga na-trace na gamot tulad ng hair-loss treatment, anti-depressant, anti-fungal skin creams, at anti-inflammatory drugs; mga sangkap sa pagkain tulad ng herbs, spcies at caffeine; at mga produkto tulad ng sunscreen at DEET mosquito repellant.

“We could tell if a person is likely female, uses high-end cosmetics, dyes her hair, drinks coffee, prefers beer over wine, likes spicy food, is being treated for depression, wears sunscreen and bug spray — and therefore likely spends a lot of time outdoors — all kinds of things,” ani Amina Bouslimani, assistant project scientist sa lab ni Dorrestein na unang awtor sa pag-aaral.

Bagamat nasa early stage pa lamang ang technique, ito ay tama pa rin at “can be used in (a criminal) investigation as… an assisting method of narrowing down the search to a smaller group of likely candidate people,” sabi ni Dorrestein sa Live Science.

Mas magiging epektibo ang technique sa pagrami ng molecules na idinadagdag sa reference database, na dinebelop ng kanyang grupo at napalawak sa tulong ng crowdsourcing. Dagdag pa ni Dorrestain, interesado ang mga researcher sa molecules ng pinakakaraniwang mga pagkain, material sa damit, carpets, wall paints, at iba pang bagay na maaaring mahawakan ng mga tao.

Inilahad din ni Dorrestain na may potensiyal na masuri ang gut microbes ng tao, na maaaring magbunyag ng kalagayan ng kalusugan mula sa traces ng fecal matter na maaaring nasa telepono, bagamat wala silang na-detect na ganito sa kanyang pag-aaral sa 39 na kalahok. Ibinahagi niya na nakikipagtulungan siya sa iba pang mga siyentista sa American Gut project para mas maintindihan ang molecules at microbes sa human gut, para magsilbing panibagong reference database. (Live Science)