Inamin ni Brandon Vera na ang presensiya ng kanyang kababayan ay sapat na para makamit ang kumpiyansa sa kanyang pagdepensa sa heavyweight title kontra sa walang talong si Hideki Sekine sa ONE:Age of Domination sa December 2.

Ito ang unang pagdepensa ni Vera sa ONE heavyweight crown na napagwagihan niya kontra Paul Cheng may isang taon na ang nakalilipas sa MOA Arena.

“My opponent is an undefeated Japanese martial arts veteran who is really strong and has a very capable ground game.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

I think it is a good test for me to see where I am at in my career,” pahayag ni Vera.

“Japanese fighters are very, very tough. I will need to come into the fight in my best condition. I don’t want to take any opponent lightly,” aniya.

Mula nang magwagi, nanatili si Vera sa Manila na itinuturin na niyang tahanan. Nagsasanay siya sa Alliance MMA kasama ang homegrown fighter na sina Mark Striegl, Geje Eustaquio, at Honorio Banario.

Kumpiyansa ang Fil-American star na mapapanatili ang titulo kontra sa matikas na si Sekine.

“Training has been phenomenal. I train with the best fighters in the world at Alliance MMA and with some really top guys in the Philippines as well. I am always in shape and ready to go. I can’t wait to be inside that ONE Championship cage again,” sambit ni Vera.

“The Philippines is just as much my home as the United States is, and I am truly blessed to be able to compete here in front of all the Filipino fans. It’s an amazing country and we discover something new everyday. It’s an honor to be able to headline massive ONE Championship fight cards,” aniya.