Tuluyan nang nahimbing ang isang lalaki na umano’y adik at lasenggo matapos siyang pasukin sa kanyang bahay at pagbabarilin ng dalawang lalaki na kapwa nakasuot ng bonnet, kahapon ng hatinggabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jay Yap, nasa hustong gulang, ng No. 41 Rose Street, Barangay Payatas, Quezon City.

Sa inisyal na report ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD, dakong 12:00 ng hatinggabi, galing umano sa inuman si Jay at lasing na lasing na umuwi sa kanilang bahay sa Payatas.

Makalipas ang ilang minuto, habang natutulog ang biktima, basta na lamang umakyat ang dalawang suspek at pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktima.

Metro

Lalaki, patay matapos makuryente sa power transformer

Ayon sa mga kaanak ni Yap, kilalang drug user ang biktima ngunit hindi ito nagtutulak ng shabu.

Inaalam pa ang motibo sa pamamaril. (Jun Fabon)