Inaalam na ng mga awtoridad ang sanhi ng pagkamatay ng isang bilanggo sa Taguig Custodial Detention Cell sa lungsod na ito, nitong Martes ng gabi.
Patay na nang isugod sa Taguig-Pateros District Hospital si Nelson Dalida, 51, ng No. 16 Pinagkaisa Street, 1-A, Barangay New Lower Bicutan, Taguig City, na nakulong dahil sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.
Sa inisyal na ulat ng Taguig City Police, dakong 7:25 ng gabi nadiskubreng wala nang buhay ang biktima sa loob ng nasabing kulungan.
Agad isinugod ng Taguig rescue team ang biktima sa naturang pagamutan ngunit huli na ang lahat. (Bella Gamotea)