angeline-quinto-copy

HINDI natuloy ang presscon ng pelikulang Foolish Love nitong nakaraang Martes ng gabi na pinagbibidahan nina Angeline Quinto, Tommy Esguerra, Miho Nishida at Jake Cuenca mula sa direksiyon ni Joel Lamangan produced ng Regal Entertainment. Ang ibinigay na dahilan ay maysakit daw ang isa sa cast.

Sa Nobyembre 30 na dapat ipapalabas ang Foolish Love bilang follow-up movie sa Regal ni Angeline na isa sa mga bagong paborito ngayon nina Mother Lily Monteverde at Ms. Roselle Monteverde-Teo.

Nakapalitan namin ng text messages si Angeline noong Martes ng gabi at tinanong kung bakit hindi natuloy ang presscon nila. Inamin ng dalagang singer/actress na siya ang may pagkukulang.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

“Hindi pa po kasi ready lahat, ate, nanggaling din ako sa taping ng MMK (Maalaala Mo Kaya) kanina. And ‘yung theme song po (ng Foolish Love) hindi ko pa po nai-record.”

Dahil siguro pagod sa taping ng MMK kaya hindi na kinayang mag-presscon pa ni Angeline.

Diretsong tanong namin kay Angeline, nagalit ba sina Mother Lily at Ms. Roselle sa hindi pagkakatuloy ng November 30 playdate nila, dahil siyempre pa’y nai-book na ito at may schedule na rin ng premiere night.

“Hindi naman po, Ate Reggee kasi sila na rin po ang nag-decide. Kasi kung sa November 30 po ipalalabas, wala po akong masyadong time makapag-promote kasi ang dami ko rin pong gagawin this month,” paliwanag ni Angge.

Nang tanungin namin kung totoo nga bang may kissing scene sila ni Jake sa Foolish Love hindi na niya kami sinagot.

(REGGEE BONOAN)