marian-dingdong_please-crop-copy

NAKAKATUWA na tumutulong si Marian Rivera sa promo ng The Unmarried Wife.

Nakakatuwa rin si Angelica Panganiban na ipinost sa Instagram account niya ang pagpo-promote nina Marian at Dingdong Dantes ng movie nila ng huli na The Unmarried Wife sa Sunday Pinasaya ng GMA-7 last Sunday.

Picture nina Dingdong at Marian ang ginamit ni Angelica at ang caption ay, “She is the wife (si Marian). Thank you @therealmarian and @dongdantes for taking time to promote the movie. Thank you, Sunday Pinasaya! At paulit-ulit na pasasalamat sa inyong dalawa. Nagpapasalamat akong kaibigan kita, Yan. Salamat @dongdantes sa pagsama sa mall show.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

May the force be with us.”

Ngayong araw na ang opening ng Star Cinema movie sa direction ni Maryo J. delos Reyes.

Sa pelikulang ito, habang nagsu-shooting, nakita ni Direk Maryo kung gaano kahusay umarte si Angelica. Tinawag niya itong excellent dramatic actress. Bilang director, hindi siya nahihirapang idirehe ito.

“Nagpapasalamat ako na na sa ganu’ng paraan ako nakikita ni Direk Maryo. Pero feeling ko, marami pa akong dapat matutunan. Ang ginagawa ko lang, pag-igihan ang trabaho ko at mahalin ang bawat oras na may trabaho ako,” sabi ni Angelica. (NITZ MIRALLES)