jessy-copy

HINDI na pinapansin ni Jessy Mendiola ang isyu na siya ang itinuturong dahilan ng hiwalayan nina Luis Manzano at Angel Locsin. Para sa aktres, walang puwang sa kanyang mundo ang negativity lalo’t alam naman niya sa sarili kung ano ang totoo.

“Kasi alam kong hindi totoo. Kapag alam mong hindi totoo ang isang bagay, hindi ka maaapektuhan,” bungad ni Jessy nang humarap sa reporters sa presscon ng Banana Sundae at matanong tungkol sa naturang isyu.

Inilarawan din niyang ‘peaceful’ ang relasyon nila ni Luis.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Okay naman po, masaya naman kami. It’s peaceful,” dahil wala naman daw silang sinasagasaang ibang tao.

Huwag naman daw silang pag-awayin ni Angel dahil umaasa siyang darating din ang panahon na baka maging magkaibigan pa sila.

Bagamat aminado si Jessy na hindi pa siya handa kung sakaling pagsamahin sila sa isang project. (ADOR SALUTA)