Labis sa inaasahan ang nakamit na tagumpay ng Philippine Dragonboat Team.

Ipinahayag ni National coach Len Escollente na maging ang buong coaching staff ay nagulat sa kampanya ng Pinoy boatmen sa katatapos na 2016 Asian Dragon Boat Championships sa Puerto Princesa City sa Palawan.

Mula sa matikas na tatlong gintong medalya sa CF World Dragon Boat Championships sa Moscow, umani ang national paddlers ng limang gintong medalya para tanghalin na ’biggest winner’ sa Asian championship laban sa powerhouse Japan, Chinese Taipei, Hong Kong, Thailand, India at Iran.

“Nakakakilabot ang ginawa nila lalong lalo na ‘yung women’s team natin dahil alam naman nating malakas ang Thailand,” pahayag ni Escollente.

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!

Ginulat ng women’s team ang Thailand upang maangkin ang gold sa 200m small boat sa tiyempong 54.453 segundo sa huling araw ng kompetisyon.

Nakopo rin ng Philippine paddlers ang gold sa men’s 500m standard boat, men’s 200m standard at small boat at mixed junior’s 500m small boat .

Nagsipagwagi rin ng silver medal ang natiomal junior team sa mixed juniors small boat,ang women’s team sa 500m small boat at men’s 500m team sa small boat. (Marivic Awitan)