maine-at-alden-copy

‘KAALIW ang AlDub Nation. Ito yata ang fandom na walang pakialam kung mabuntis at magkaanak man ang love team na iniidolo nila, patuloy pa rin daw nilang susuportahan.

Matagal na kasi nilang dream, since day one pa nang mabuo ang love team, na makitang nagkatuluyan at may forever talaga sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Tuloy ang pagsubaybay nila sa kalyeserye ng Eat Bulaga, na nitong nakaraang Sabado, nag-celebrate na kunwari ng first year anniversary (gayong October 22 pa lang naman sila ikinasal). Ang tatlong lola na sina Nidora (Wally Bayola), Tidora (Paolo Ballesteros) at Tinidora (Jose Manalo), bago na ang hairstyle, humaba na kasi ang hair nila. May sorpresa raw sa kanila ang kanilang mga apo, at excited na sila.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Special guest si Ruffa Gutierrez, ang beauty queen na gustong mag-apply sa “Inday Henyo” ng mga lola, para siyang magluto ng masasarap na pagkain para sa mag-asawang Alden at Maine. Nasa Broadway Studio naman ang dalawa at ipinakita na ang sorpresa nila sa mga lola.

Muling nag-promise sa isa’t isa sina Alden at Maine na patuloy nilang mamahalin ang isa’t isa. Ang wedding dance sana nila na hindi na nila nagawa after ng kasal nila, ipinakita nila. Pero after ng ilang ikut-ikot, nahilo si Maine.

Sabi ni Alden, hindi naman daw nahihilo si Maine kahit kahit paikut-ikot silang sumasayaw, kaya biglang sumigaw ang mga lola ng, “Positive ka na ba, Maine? Magkakaroon na ba kami ng apo sa tuhod?”

‘Kaso, bumusina na at kaya sa susunod nang eksena malalaman kung totoo na ba ang hinala ng mga lola.

May show si Alden sa Batangas Convention Center para sa Boardwalk last Saturday rin, at kahit medyo gabi na nakalabas si Alden ay punung-puno pa rin ang venue. Ang nakakatawa, tumanggap ng mga regalo si Alden mula sa fans. Tawa siya nang tawa nang buksan ang gifts dahil ang isa ay may lamang baby dresses at baby toiletries.

Kilalang mahusay sa pagbuburda (embroidery) ang mga taga-Batangas at sa kanila nanggagaling ang magagandang Barong Tagalog. Kaya ang may burda ang baby dresses ng mga pangalan na Charmaine, Sebastian, Thirdy, Athena at Siegfried, mga pangalan na gusto raw ibigay nina Alden at Maine sa mga magiging anak nila. Naririnig ito ng televiewers kapag nagkakatanungan kapag may kausap na contestants sa Sugod Bahay at kapag tungkol sa pag-aasawa at pagkakaroon ng anak ang topic.

Pero hindi iyon ang first time na nakatanggap si Alden ng gifts na baby dresses para sa magiging anak daw nila ni Maine.

Maging si Joey de Leon ay nagbiro noong Sabado nang siya naman ang namigay ng cash prizes sa tatlong napiling studio audience para sa kanilang #GiveLoveOnChristmasDay early Christmas gifts. Pagdaan daw ni Joey kay Maine, binigyan ito ng pera at sinabihang: “Pambili mo ng lampin.” (NORA CALDERON)