Nagposte si Samjosef Belanguel ng 20 puntos, 15 rebound , apat na assist at dalawang steal upang pangunahan ang last season second runner-up Ateneo sa paggapi sa season host University of Santo Tomas, 79-73 kahapon sa pagbubukas ng UAAP Season 79 juniors basketball tournament sa San Juan Arena,

Isinalansan ni Blenaguel ang 10 puntos sa kanyang kabuuang output sa third period upang tulungan ang Blue Eaglets sa pag-agwat sa iskor na 62-57 papasok ng final period mula sa 35-36 na pagkakaiwan sa first half.

Pagdating ng final period, halos solong nagduwelo sina Jason Credo na siyang nag-takeover sa scoring chores para sa Ateneo at si Juan Marzan para naman sa Tiger Cubs para panatilihing dikit ang laban.

Ngunit, higit na nakakuha ng sapat na suporta mula sa kanyang mga kakampi si Credo habang sinuportahan lamang si Marzan ng mga kakamping sina Inand Fomillos at Crsipin Casin.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kasunod ni Belanguel, dalawa pang Blue Eaglets ang nagtala ng double digit performance sa katauhan nina Vredo at Romulo Benjay na tumapos na may 15 at 10 puntos ayon sa pagkakasunod para makapag-ambag sa nasabing tagumpay. (Marivic Awitan)