barbie-at-schoolmates-copy

NAPAKAGANDANG tingnan ni Barbie Forteza na naka-white uniform habang nasa University of Perpetual Help System Laguna at hindi artista kundi ordinaryong estudyante. Nakakatuwa rin na marami na agad ang kaibigan ng young actress at nagpapa-picture pa sa kanya, kaya hindi siya nanibago at mabilis napalagay.

Enrolled ng Bachelor of Arts in Psychology si Barbie na nangakong hanggang makakaya ng kanyang schedule, tatapusin ang pag-aaral. Napakatagal na niyang pinangarap na makabalik sa pag-aaral at sa wakas ay natupad na ito.

Hindi pa namin alam ang dahilan kung bakit hindi ang gustong kursong Criminology ang kinuha ni Barbie. Malalaman natin ang kanyang sagot kapag nakausap namin ang aktres.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Samantala, inilabas na ng GMA-7 ang teaser sa apat na leading men ni Barbie sa gagawin niyang primetime soap.

Nahulaan agad na isa si Ken Chan sa mga makakapareha ng aktres kahit isang mata lang ang ipinakita.

Giveaway din na si Jak Roberto ang isa pang leading man niya dahil naman sa bibig at maliit na dimple malapit sa right lip.

Hindi nakilala ang dalawa pang leading men dahil ‘yung isa, panga lang ang ipinakita at ang isa naman, bangs ng buhok at kilay lang.

Malapit nang simulan ang taping ng rom-com series to be directed by LA Madridejos. Hintayin natin ang formal na pagpapakikilala ng Kapuso Network sa apat na leading men ni Barbie sa wala pang title na TV series nila.

(Nitz Miralles)