TAGUM CITY – Naitala ng Philippine Sports Commission (PSC) ang record sa bilang ng mga kalahok sa 2016 Batang Pinoy, dahilan para tangihan ang hiling ng ilang Local Government Units (LGUs) na makibahagi sa grassroots sports program ng pamahalaan.

Ayon kay PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez, huminge siya ng paumanhin sa mga LGUs dahil sa kabiguan na tanggapin ang kanilang mga lahok para sa isasagawang Philippine National Youth Games – Batang Pinoy National Championships sa Nobyembre 27 hanggang Disyembre 2 sa Tagum City at Province of Davao Del Norte.

“We apologized to the LGUs that were not allowed to submit their entries beyond the deadline. The commission is concerned that if we accept even more entries, it may affect the game schedule, billeting facilities, and other technical aspects of the games,” paghihingi ng paumanhin ni Ramirez.

Ito ay matapos na tuluyang mapormalisa ang pagsasanib puwersa ng PSC at City of Tagum at Province of Davao Del Norte sa pagpirma sa tripartite memorandum of agreement sa pagitan nina City Mayor Allan Rellon at Governor Anthony Del Rosario na ginanap sa Seda Abreeza Hotel sa Davao City.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“It is good to note that this event is being supported by the Department of the Interior and Local Government (DILG) and the Department of Education (DepEd), and in partnership with the participating LGU’s,” sambit ni Ramirez.

(Angie Oredo)