TULAD ng inaasahan, ang desisyon ng Supreme Court (SC) sa botong 9-5-1 na ilibing ang mga labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos (FM) sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) ay muling mag-uungkat sa matinding hidwaan sa pagitan ng mga tagasuporta ni Marcos at ng mga aktibistang Pilipino.

Sa pangangasiwa ng Armed Forces of the Philippines, ang LNMB ang magsisilbing huling hantungan ng yumaong Pangulo ng Pilipinas, beterano ng digmaan, sundalo, pulitiko, dignitaryo, at national artists. Siyempre, hindi kailanman nakulong si Marcos noong siya’y nabubuhay pa.

Dinismiss nina Associate Justices Arturo Brion, Presbitero Velasco Jr, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Mariano del Castillo, Jose Perez, Teresita de Castro, Jose Mendoza, at Estela Perlas-Bernabe ang petisyon, habang sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Senior Associate Justice Antonio Carpio, Associate Justices Marvic Mario Victor Leonen, Francis Jardeleza, at Alfredo Benjamin Caguioa ay pumabor. At nag-abstain naman si Justice Bienvenido Reyes.

Ipinagdiinan ng Korte na walang nilabag si Pangulong Duterte nang ipag-utos nito ang pagpapalibing kay dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Bilang paggalang sa Korte, hinayaan din ng Pangulo ang Supreme Court na magdesisyon sa nasabing isyu.

Ka-Faith Talks

#KaFaithtalks: Saan ba makikita ang hinahanap na ‘forever?’

Gayunman, sa pinakabago niyang go signal sa mga Marcos, para sa kanilang planong pagpapalibing, bago maresolba ng Kataas-taasang Hukom ang motion for reconsideration ng mga petitioner ay maaaring maging sanhi ng problema.

Sa nasabing usapin, clinical approach ang naging atake ng SC justices. Walang nakitang batas na nagbabawal para mailibing sa LNMB si Marcos, wala silang magagawa kundi payagan ito. Sa kabilang dako, ang mga raliyista, partikular na ang mga biktima at ang mga nawalan ng mahal sa buhay dahil sa martial law, na pinagkaitan ng hustisya hanggang ngayon, ay nangangailangan din ng pag-unawa at simpatya.

Namatay si Marcos ng ipatapos siya sa Hawaii noong Setyembre 1989. Siya ay pinaalis sa pamamagitan ng 1986 People Power revolution. Ang kanyang mga labi ay na-preserve sa Marcos mausoleum sa Ilocos Norte simula noong 1993. ...

Congratulations kay Taytay Mayor Joric Gacula at kay Philippine Chamber of Commerce and Industries (PCCI)-Taytay president John Baredo sa kanilang matagumpay na joint Taytay Business Community Fellowship Night sa Manila East Club noong nakaraang linggo. (Johnny Dayang)