KAPAG mas mahabang oras ang inilaan mo sa paggamit ng smartphone, mas mahihirapan kang makatulog, ayon sa bagong pag-aaral.

Napag-alaman sa loob ng isang buwan na pag-aaral na ang mga kalahok na mas matagal ang paggamit ng smartphone ay mas nahihirapang matulog kumpara sa grupo ng mga kasali na mas maikling panahon ang paggamit ng phone, ayon sa pag-aaral.

At mas lalong nahihirapang makatulog ang gumagamit ng kanilang smartphone sa oras ng pagtulog, ayon sa pag-aaral na inilathala nitong Miyerkules sa journal na Plos One.

Iminumungkahi ng resulta na “exposure to smarphone screens, particularly around bedtime, may negatively impact sleep,” saad ng mga researcher.

National

Kaso ng dengue sa pagpasok ng 2026, naitalang nasa higit 7k

Sa pag-aaral, sinabihan ng mga researcher ang 953 matatanda na mag-install ng app sa kanilang android phones na makakapag-record kung ilang minuto naka-on ang screen ng phone. Kinolekta nila ang datos mula sa bawat phone ng kalahok sa loob ng 30 araw. Dalawa sa awtor ng pag-aaral ang nagtatrabaho sa kumpanya na gumagawa ng app.

Ang mga kalahok sa pag-aaral ay bahagi ng mas malaking proyekto na Health eHeart Study at nagbigay ng impormasyon tungkol sa kanilang medical histories at lifestyle habits. At ang iba sa mga kalahok sa pag-aaral ay sumagot ng questionnaire tungkol sa kanilang sleep habits, saad ng mga researcher.

Ipinakita ng resulta na ang mga kalahok ay karaniwang naglalaan ng isang oras at 29 minuto sa kanilang phone. Wala namang nakitang ugnayan sa paggamit ng smartphone at sa physical activity, mood, o body mass index ng tao, ayon sa pag-aaral.

Gayunman, naiugnay ang smartphone sa pagtulog.

Sa 136 na kalahok na nagbigay ng impormasyon tungkol sa kanilang sleep habits, napag-alaman ng mga researcher na ang mas matagal na paggamit ng smartphone ay maiuugnay sa mababaw at mas maikling oraw ng pagtulog, at ang mas matagal bago makatulong. Naiugnay din ang mas matagal na paggamit sa mas mababang “sleep efficiency,” ang ratio ng oras na inilaan sa higaan kumpara sa oras na inilaan sa pagtulog.

Naiugnay din ang paggamit ng smartphone sa oras ng pagtulog sa mas mababang sleep efficiency at mas mahabang oras para makatulog, ayon sa pag-aaral. Iminumungkahi ng resulta na, “the relationship between overall smartphone use and sleep may be driven by exposure near bedtime,” saad ng mga siyentista, na pinangunahan ni Matthew Christensen, researcher sa University of California, San Francisco.

“That increased screen time in the hour of and after bedtime, but not the hour before, was associated with [a longer time needed to fall asleep] agrees with the notion that screen use just before attempting to fall asleep may be particularly problematic,” ayon sa mga researcher.

Iminungkahi rin ng mga nakaraang pag-aaral na ang screen time tuwing gabi ay maiuugnay sa poor sleep at mas maiksing oras na pagtulog. Maaaring sanhi ito ng pagkakababad sa blue light na nagmumula sa screen, na pumipigil sa utak upang magprodyus ng hormone na melatonin, na sangkot sa pagtulog, saad pa ng mga researcher.

Halimbawa, sinusubukan na ng Apple solusyunan ang ganitong problema sa “Night Shift” feature na kanilang mga phone, na nakakapagpalit ng display ng phone mula sa asul patungo sa warmer tones sa gabi.

Inilahad din ng mga researcher na may ilang limitasyon ang pag-aaral. Tulad na lamang na ng mga kalahok na hindi maaaring maging kinatawan ng general population. Posible rin naman na hindi tama ang sukat na paggamit ng screen time dahil maaaring ipinagamit ng mga tao ang kanilang phone sa ibang tao o maaaring hindi sila aware na naka-on pala ang kanilang phone tulad na lamang kapag ito ay nasa bulsa.

Dagdag pa nila, hindi napatunayan ng pag-aaral ang cause-and-effect ng paggamit ng smartphone at ng kahirapang gumawa ng tulog. Halimbawa, maaari ito sa mga taong nahihirapang makatulog kaya gumagamit muna ng kanilang phone para antukin, ayon sa mga awtor. (LiveScience)