June 08, 2026

Home BALITA

Sen. Win dismayado sa ‘di pagsipot ng 18 ex-soldiers, Atty. Baligod

Sen. Win dismayado sa ‘di pagsipot ng 18 ex-soldiers, Atty. Baligod
Photo Courtesy: Screenshot from Senate of the Philippines (YT), via MB

Naghayag ng pagkadismaya si Sen. Win Gatchalian sa hindi pagdating ng 18 dating sundalo at ang abogado ng mga ito na si Atty. Levi Baligod sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Sen. Erwin Tulfo.

Sa pambungad na privilege speech ni Gatchalian nitong Lunes, Hunyo 8, sinabi niyang kung talagang alam umano ng mga invited guest ang katotohanan sa likod ng maanomalyang flood control projects ay haharap sila sa pagdinig.

“Nakakadismaya po dahil kung alam ng mga invited guest, particularly po ‘yong 18 bodyguards na sa loob ng kanilang puso ay alam nila ang katotohanan, dapat pumunta ho sila rito para ipamahagi at i-share sa ating lahat ang katotohanan,” saad ni Gatchalian.

Dagdag pa niya, “Hindi ho pwedeng pumili kung saan sila pupunta at magsasalita. Hindi ho pwedeng pumili kung sino ang kakausapin ho nila—kung kakampi man o hindi. Dahil kung alam mo, nasa puso mo ang katotohanan, kahit saan ka pumunta, katotohanan ang dapat mong sabihin.”

Matatandaang bago pa man ito, lumiham na si Sen. Alan Peter Cayetano kay Atty. Levi Baligod para sabihing hindi umano awtorisado ng kanilang opisina ang pagdinig ng Blue Ribbon Committee ni Tulfo.

Sen. Kiko, nilinaw na 'di hearing ang ginagawa ng BRC ni Sen. Erwin

Maki-Balita: Sen. Alan, binalaan 18-ex Marines tungkol sa BRC hearing sa Hunyo 8