SA isang umpukan ng mga kamanunulat kasama ang isang respetadong newscaster, napag-usapan ang ilalabas na listahan ng showbiz personalities na diumano’y gumagamit ng illegal drugs.

Ayon sa sikat na newscaster, alam na niya kung sinu-sino ang mga artistang napasama sa listahan. May mga nakakagulat pero may mga hindi naman daw ikakagulat ng mga tao kung sakali ngang pangalanan ang mga ito.

May mga artista raw kasing hindi na kagulat-gulat na nagdodroga pero meron namang mga personalidad na talagang pagtatakhan kung bakit napasama, huh!

Kasama raw sa listahan ang isang sikat at guwapong personality na pinagtsitsismisan nang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot, pero ang talagang ikinagulat ng kausap naming TV newscaster ay kung bakit napasama sa listahan ang isang sikat na aktres na madalas kasama ng una.

Kuya Kim, birthday wish na maipagpatuloy alaala ni Emman

Kasama rin sa listahan ang isa pang kilala ng lahat na matapang at sa pananalita pa lang ay alam na ng lahat na isa siyang peke.

Nasa listahan din ang isang male personality na laging may hawak na mineral water at maya-maya ay nagpapautos sa mga kasama na ikuha siya ng tubig dahil lagi raw nauuhaw.

Hindi rin naman kagulat-gulat na numero uno sa listahan ang isang premyadong aktres at ang dati niyang kinakasama.

Tiyak na alam na rin naman ng lahat na kasama sa listahan at hindi na ipagtataas ng kilay ang isang sikat pa rin namang aktres na matatawag na ring beterana. (JIMI ESCALA)