Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang hinihinalang drug pusher makaraang mahulihan ng nasa P32.8 milyon halaga ng shabu sa loob ng kanyang condominium sa Cebu City, iniulat kahapon.
Ayon kay PDEA-Region 7 Director Yogi Ruiz, sinalakay ang unit ni Maria Diaz Del Mar sa Horshoe Drive, Banawa sa Barangay Guadalupe, Cebu City para sa buy-bust operation.
Nasamsam umano mula sa suspek ang pitong malalaking pakete ng shabu na sa kabuuan ay aabot sa 2,125 gramo.
(Fer Taboy)