Sa nakaraang off season ilang key players na kinabibilangan nina KG Canaleta, Aldreich Ramos, Paolo Taha, at Bradwyn Guinto ang na- trade ng Mahindra.

Sa orihinal na line-up, tanging sina star guard LA Revilla at Mark Yee ang nalalabi sa Floodbusters.

Maraming nasorpresa sa naging desisyon ng management, ngunit para kay coach Chris Gavina naniniwala siyang ang pagbabago ang magbibigay nang bagong bukas sa koponan.

“It’s my job to form a competitive team regardless of who’s here. Hopefully, we’ll be able put up a team just like what we had last conference,” pahayag ni Gavina.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakuha ng Floodbusters sa trade sina Alex Mallari, Ryan Arana at Josan Nimes habang nakuha nila sa isinagawang ang drafting rookie na sina Russel Escoto ng Gilas Pilipinas pool at Joseph Eriobu.

Lahat ay inaasahang makatutulong sa koponan upang makagawa ng matinding dating sa pagbubukas ng PBA 42nd season.

Sa nakalipas na conference, ipinakita ni Gavina ang katatagan nang magawang gabayan ang Mahindra sa playoff.

Kaya naman inaasahang mas makakapagpakita ng magandang performance ang Mahindra sa bagong season.

"We've got some dynamic guys in our roster now and it adds great dimension on our team," ayon kay Gavina . "It allows you to be adventurous in the lineup, so we can see more exciting line-ups for Mahindra in the coming season."

"As long as we stay committed to our level of excellence and everybody buys in to our culture of playing together and being selfless, we'll be highly competitive once again," aniya. (Marivic Awitan)