bea-and-friends-copy

‘FRIENDSHIP goals’ ng marami, kahit hindi taga-showbiz, ang barkadahan nina Barbie Forteza, Louise delos Reyes, Joyce Ching, Derrick Monasterio at Kristoffer Martin.

Buo pa rin at lalong tumatatag ang bonding ng grupo nila simula noong mga baguhan pa sila at magkakasama sa Tweenhearts ng GMA-7.

Tuwing may birthday ang isa sa kanila, kahit may party na sila, they make it a point na magkasama-sama na sila-sila lang. Walang ibang kasama, enjoy lang.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Nangyari uli ang pagkikita-kita ng grupo noong November 5, the day after ng 19th birthday ni Bea. Nagpunta sila sa SM Megamall, gumala-gala lang doon na tulad ng mga ordinaryong kabataan, kumain at nagpa-picture.

Natuwa ang fans ng tweens na nagkasama-sama uli sila, hindi nga lang maiwasang hanapin sina Alden Richards, Joshua Dionisio at Jake Vargas.

May regular show sa GMA-7 ngayon sina Joyce at Kristoffer, ang Hahamakin Ang Lahat. Pilot naman sa Sunday (November 13) ng Tsuperhero nina Derrick at Bea.

Si Louise, katatapos lang ng Afternoon Prime na Magkaibang Mundo. Si Barbie na nagbalik-eskuwela ay magkakaroon uli ng primetime soap.

Pero ang wish ng kanilang fans ay magsama-sama uli sila sa isang show. Sana raw ay kasama sina Alden, Joshua at Jake.

(NITZ MIRALLES)