angelina-at-caitlyn-copy-copy

HINDI mapigilan ang kasiyahan ng transwoman na si Angelina Mead King nang magkita sila ni Caitlyn Jenner sa isang car show sa US.

Nag-post sa Instagram si Angelina noong Nobyembre 7 na kasama si Caitlyn at may caption ang kanilang photo na: “I still can’t believe it, this morning was so surreal! Cars, coffee and Caitlyn. Brought together for the love of cars.

Thank you to @e_n_o_r_e_v for capturing this moment. it’s perfect.#carscoffeeandcait #caitlynjenner#girlslikeus” 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Hindi rin naiwasang mag-post ng larawan sa Instagram ang asawa ni Angelina na si Joey Mead King.

“How epic is this moment! The very humble & beautiful@caitlynjenner joins us for some breaky after our #carsandcoffee morning in Malibu. Seriously cool,” saad ni Joey sa larawan nila na kasama si Caitlyn.

Ibinunyag ni Angelina, dating kilala bilang Ian King, ang pagiging transwoman nitong nakaraang Hulyo nang mag-post siya ng larawan kasama ang asawang si Joey.

Samantala, lumabas naman noong nakaraang taon bilang transwoman si Caitlyn Jenner, dating kilala bilang Bruce Jenner at ama nina Kendall Jenner at Kylie Jenner. (AIRAMAE GUERRERO)