OKLAHOMA CITY (AP) – Naitala ng Thunder ang magkasunod na panalo sa home game, habang ipinalasap sa Miami Heat ang ikalawang sunod na kabiguan sa impresibong 97-85 panalo nitong Lunes (Martes sa Manila).

Umiskor ng 24 puntos mula sa bench si stringer Enes Kanter, habang kumubra si Victor Olapido ng 17 puntos para sa ikaanim na panalo ng Thunder sa pitong laro.

Kumubra si Russell Westbrook ng 14 puntos mula sa 5-for-16 sa three-point area.

BULLS 112, MAGIC 80

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sa Chicago, tinuldukan ng Bulls ang three-game skid nang pabagsakin ang Orlando Magic.

Nanguna si Jimmy Butler sa naiskor na 20 puntos, habang nag-ambag si Taj Gibson ng 16 puntos at 11 rebound. Nag-ambag si Dwyane Wade ng 16 puntos.

ROCKETS 114, WIZARDS 106

Sa Washington, ginapi ng Houston Rockets, sa pangunguna ni James Harden na umiskor ng 32 puntos, ang Wizards.

Nagsalansan si Ryan Anderson ng 23 puntos para sa ikaapat na panalo ng Rockets sa pitong laro.

JAZZ 109, SIXERS 84

Sa Wells Fargo Center, hinila ng Utah Jazz ang losing streak ng Philadephia Sixers sa anim na laro.

Nagsalpak ng 11 triples ang Jazz, sa pangunguna ni Gordon Hayward na kumubra ng 20 puntos.