ang-mga-bida-sa-encantadia-na-sina-migo-adecer-copy

PATULOY na pinatitingkad ng GMA Network ang naglalakihang festival sa bansa. Nitong nakaraang Oktubre, nagtungo ang mga top-rating serye na Encantadia at Someone to Watch Over Me sa Bacolod City para sa back-to-back celebration ng MassKara Festival.

Kilig at magic ang hatid ng mga bida ng Encantadia na sina Sanya Lopez, Rocco Nacino, Klea Pineda, at Migo Adecer sa kanilang Kapuso Mall Show noong October 22. Mainit silang tinanggap ng kanilang mga tagasuportang Negrense sa SM City Bacolod.

Bago ginanap ang kanilang mall show, bumisita muna sina Sanya, Rocco, Klea, at Migo sa Purok Yulo Uno, sa Barangay Mandalagan para sa Kapuso Barangayan.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Isang linggo bago ito, ang lead stars naman ng Someone to Watch Over Me ang lumipad patungong Bacolod. Sinamahan si Tom Rodriguez ng kanyang leading ladies na sina Lovi Poe at Max Collins sa isang Kapuso Mall Show sa SM City Bacolod Main Atrium noong October 14.

Ang MassKara Festival ang pinakamalaking pagdiriwang na ginaganap taun-taon sa Bacolod City at isa sa mga pinakainaabangang festival sa buong Pilipinas.