TSANSA na sana mamaya, sa presscon ng The Unmarried Wife, na matanong si Paulo Avelino sa bagong nali-link sa kanyang si Natasha Villaroman.
Kaya lang, bawal magtanong ng personal life sa general presscon at dapat ay focused lang sa movie ng Star Cinema na showing sa November 16. Kung after the general presscon naman, baka hindi puwede ang one-on-one interview at kung may time sa interview, baka bawal pa ring tanungin si Paulo tungkol kay Natasha.
Nagkagulo kasi ang fans ni Paulo sa paglitaw sa balitang may special someone na siya, nawalan na ng pag-asa ang nagwi-wish na maging sila ni Maja Salvador at ‘yung mga umaasang magkaroon pa ng Paulo at KC Concepcion relationship.
Galing sa political family sa Dinagat Island si Natasha, sa controversial family ng mga Ecleo. Nag-artista siya dati at kasama sa cast ng Island Dreams na pinagbidahan ni Louise delos Reyes. Commercial model din si Natasha, pero parang tinalikuran na niya ito pati ang showbiz dahil sa family business na lang daw nagpu-focus.
Ang solid fans ni Paulo, natutuwa kung totoong nakita na niya ang babaeng mamahalin para naman daw hindi siya malungkot at may inspirasyon. (NITZ MIRALLES)