Kapag pumanaw, ayaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na mahimlay sa Libingan ng mga Bayani (LNMB).

Mas gusto umano ng Pangulo na malibing sa tabi ng puntod ng kanyang mga magulang sa Davao City Catholic Cemetery.

Sa panayam ng mga mamamahayag, habang dinadalaw ng Pangulo ang puntod ng kanyang mga magulang nitong Martes, sinabi ng Pangulo na “walang pinaka mas honor para sa akin kundi itatabi ako sa nanay pati tatay ko.”

Samantala nilinaw ni Duterte na ang kanyang opinyon ay personal, “wala akong inaanong tao,” pahayag nito.

National

ITCZ, magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa

(Genalyn D. Kabiling)