Patay ang isang 12-anyos na lalaki makaraang aksidenteng mabaril sa ulo ng sarili niyang ama habang nakikipagtalo sa nakatatanda niyang kapatid sa Barangay Langub, Davao City, nitong Lunes ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Adventist Hospital si Marcelo Bernardo Tadlip, Jr., Grade 5 pupil.

Kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si Marcelino Bernardo Tadlip, Sr.

Ayon sa imbestigasyon ng Davao City Police Office (DCPO), dakong 7:00 ng gabi nitong Lunes nang mangyari ang insidente sa loob ng bahay ng pamilya Tadlip sa Old Smokey Mountain sa Diversion Road, Bgy. Langub, Davao City.

Probinsya

15-anyos na dalagita, patay matapos umanong gahasain ng 13 lalaki

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nagkasagutan ang suspek at isa pa niyang anak na si Reven Tadlip, 18 anyos, hanggang kuhanin ng ama ang kanyang .357 Magnum na baril at apat na beses na nagpaputok pababa.

Bigla na lang bumagsak sa sahig ang binatilyo na noon ay nakaupo malapit sa ama.

Mabilis na isinugod sa pagamutan ang biktima subalit patay na ito dahil sa tinamong tama sa ulo.

Kaagad namang tumakas ang suspek, na kakasuhan ng parricide sa Davao City Prosecutor’s Office. (Fer Taboy)