sharon-cuneta-and-sylvia-sanchez-2-copy

PURING-PURI ni Sharon Cuneta ang mahusay na pagganap ni Sylvia Sanchez sa The Greatest Love.

Sa comeback concert ng megastar kamakailan, ibinahagi niya ang kanyang paghanga sa kahusayan bilang aktres ni Sylvia, na nasa audience nang gabing iyon.

“You’re an underrated artist. Deserve mo lahat ng blessing na natatanggap mo,” sabi ni Sharon.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Naging madamdamin ang tagpong para sa dalawa nang imbitahin ni Sharon si Sylvia sa stage habang kinakanta ang official theme song ng The Greatest Love kasama ang ilan sa young artists ng The Voice Kids Season 3.

Samantala, hindi lang si Sylvia ang umaani ng kaliwa’t kanang papuri sa mahusay na pagganap sa naturang afternoon serye kundi pati na si Dimples Romana na gumaganap bilang Amanda.

Marami ang humahanga sa pagsasabuhay ni Dimples sa kanyang karakter na nagdadala ng inis at galit tuwing hapon sa mga manonood. Apektado ang televiewers/netizens sa maiinit na eksena ni Dimples, kaya lubos ang kanilang papuri para aktres sa social media.

Kasalukuyang napapanood sa kuwento ng The Greatest Love na lalong nagiging kapansin-pansin ang epekto ng sakit ni Gloria (Sylvia) na Alzheimer’s disease nang maligaw at makalimutan kung paano uuwi, na lubos na ikinabahala ng kanyang pamilya. Inaabangan kung ano ang magiging reaksiyon ng mga anak niya kapag nalaman na ang kanyang tunay na kalagayan.

Napapanood ang The Greatest Love tuwing hapon, pagkatapos ng Doble Kara sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Napapanood din ang past episodes ng programa sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/thegreatestlovetv. (ADOR SALUTA)