angelina-at-brad-copy

IBINENTA na ang bahay ng dating mag-asawang sina Brad Pitt at Angelina Jolie sa French Quarter ng New Orleans.

Ayon sa dokumento ng Land Records Division ng Orleans Parish Clerk of court’s office, naibenta ang ari-arian ng $4.9 million.

Binili nina Pitt at Jolie ang tahanan noong 2007 pagkaraan ng Hurricane Katrina sa halagang $3.5 million. Ito ay binili ng nagdiborsiyong mag-asawa matapos itatag ni Pitt ang Make It Right Foundation para mapagtibay ang pagpapatayo ng mga bagong tahanan sa Lower 9th Ward sa New Orleans.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ayon sa listing, ang tatlong palapag na 1830s mansion ay may sukat na 7,645 square feet, limang kuwarto, tatlong palikuran, at dalawang half-bath.

Kinumpirma ng listing agent na si Nina na naisara ang pagbebenta noong Biyernes. Aniya, “It sold for a very fair price. It’s a good deal for both parties. They’re happy with the outcome. (AP)