Binati ni Pangulong Rodrigo Duterte si Kylie Verzosa, nang makopo ng huli ang 2016 Miss International at sinabing gusto niyang makita ang beauty queen.

“I’d like to congratulate the Miss International. Mabuhay ka,” ayon sa Chief Executive, sa isang press conference nitong Huwebes ng gabi sa Davao City.

“I’d like to meet her just to congratulate her personally,” ayon sa Pangulo na tatlong araw bumisita sa Japan, kung saan idinaos ang 2016 Miss International pageant.

Nang tanungin ang kanyang pakiramdam sa panalo ni Verzosa, sinabi ng Pangulo na “of course, I am happy. I am always happy if our beautiful women win all the titles. Kasi Filipino tayo eh. It gives us konting hambog. It lifts the... parang mayabang tayo na, o kita mo! Magaganda ang mga aming Pilipina.”

National

ITCZ, magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa

“Pero iyong lahat kayo diyan sa Human Rights Commission (CHR) mga panget,” pahabol ng Pangulo. (Elena L. Aben)