christopher-copy-copy

MAY love scene pala sina Christopher de Leon at Lovi Poe sa The Escort pero hindi alam ng aktor kung bakit naputol, dahil ang ipinakita lang ay ang paghubad niya ng underwear ng aktres.

Hindi kontrabida sa pag-iibigan nina Cyrus (Derek Ramsay) at Yassi/Yasmien (Lovi) ang papel ni Boyet as Gary dahil tanggap naman niyang hindi siya mahal ng dalaga at biktima rin lang ng pagkakataong minahal niya ito nang husto, kaya isang gabing magkasama sila ang hiniling niya rito.

“Hindi ko nga alam kung saan na napunta ‘yung love scene. But it’s okay,” sabi ni Boyet nang makatsikahan ng press.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Bilib ang premyadong aktor kina Lovi at Derek.

“Timing is perfect sa delivery ng lines. Ang ganda nga, kasi kapag lumalabas nga ‘yung sexy scenes nila, sumisigaw na ang mga tao, they’re all dedicated, hindi tulad nu’ng kapanahunan ko na maraming istariray. I find Derek and Lovi very friendly and accommodating, very professional.”

Natanong din si Christopher kung ano ang birthday wish niya (October 31).

“Well, aside from that this (The Escort) will be a big hit in the box office, pagkakaindintihan nang maigi sa bansang ito,” makahulugang sabi ng aktor.

Nasabi ito ni Boyet dahil, “We should be very confident on our policies, we should not be scared now, we’re doing well as a nation, so we have just hang on and see and pray for the country. ‘Yun ang importante.”

Samantala, kinunan ng reaksiyon si Christopher tungkol sa mga taga-showbiz na sangkot sa droga na sinasabing papangalanan.

“Go ahead. First and foremost, hindi kami bayaran ng bayan, ang unahin nila ‘yung mga nagtatrabaho sa gobyerno, from the Senate to the Congress, lahat ‘yan pangalanan, hanggang sa gabinete, lahat ng nagtatrabaho sa gobyerno para malinis.

“Kasi tayo ang nagbabayad sa (kanila), we pay the taxes, eh, unahin mo muna sila, and then saka tayo. And if they want us to cooperate, why not? Kasi sila rin naman ang ano, people look up to them as government officials,” pahayag ng aktor.

Hindi itinanggi ni Boyet na marami na rin siyang naging experiences noong araw pero ibang-iba na siya ngayon at sa katunayan ay clean living na siya at panay ang ehersisyo araw-araw, kaya marami ang nakapansing walang tiyan ang aktor -- na bunga raw ng kanyang healthy diet.

Samantala, mapapanood na ang The Escort sa Nobyembre 2 mula sa direksiyon ni Enzo Williams at produced ng Regal Entertainment. (Reggee Bonoan)