Asam ng Alabang Eagles na mapahaba ang dominasyon sa pagsambulat ng Philippine Rugby Football Union-JML Rugby 7s League’s Finals sa Sabado sa Southern Plains Rugby Complex sa Laguna.

Idedepensa ng Eagles ang Cup title sa men’s division kontra sa determinadong karibal sa pangunguna ng Baguio Highlanders, Manila Nomads at kasalukuyang Philippine National Games (PNG) titlists Clark Jets.

Sa kababaihan, nangunguna ang CBRE Lady Mavericks na makakasagupa ang matitinding kalaban na Alabang Eagles, QCPU at Miriam College.

Kabuuang 17 men’s teams at anim na women squads ang magsasagupa sa final showdown para sa Cup, Plate, Bowl, Shield at Women’s divisions kung saan ang mga mainstay ng Philippine Volcanoes at Lady Volcanoes ay hinati-hati sa mga kasaling koponan.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Lahat ng kasali ay may pagkakataon naman na makasama sa posibleng silya sa binubuo na 2017 National Volcanoes training squad, ayon kay coach Matt Cullen.

Ang mga koponan ay binubuo ng Alabang Eagles, Albay Vulcans, Baguio Highlanders, Clark Jets at Subic Sharks.

Mapapalaban sila sa CBRE Mavericks, La Liga, Makati Chiefs, Miriam College at QC Polytechnic University.

Isasagawa ang quarterfinal sa alas-11 ng umaga, habang ang Cup Division finals ay magsisimula alas-2 ng hapon. Libre ang panonood sa lahat ng laro.

“Those curious about the fast-paced sport of Rugby 7s and who wish to witness the National Team players compete alongside the best opponents in the county are welcome to watch the JML 7s Finals at Southern Plains this Saturday, October 29,” sambit ni Cullen.

“Rugby 7s is one of the fastest growing sports in the world and is enjoying an increase in popularity and awareness after its debut at the Rio Summer Olympics. This growth has been felt even in the Philippines with the number of clubs participating in the JML7s increasing from 18 in 2015 to 23 in 2016,” aniya. (Angie Oredo)