maricel-paolo-at-tintin-copy

“I HAD dengue three times, twice in high school and the third time, I was already on television in my twenties -- twenty six or twenty seven,” bungad ni Tintin Bersola-Babao sa launching ng Be A Wall Against Dengue Fever campaign ng Sanofi Pharmaceutical Company na ginanap sa Novotel Hotel Araneta Center, Cubao, Quezon City nitong nakaraanmg Martes ng tanghali.

Dahil sa dengue, paranoid ang nanay ni Tintin noong nag-aaral pa siya.

“Sobrang protektado kami sa paglalagay ng lotion, ‘kaso hindi mo alam kung saan ka kakagatin ng lamok na ‘yan, baka sa school or baka sa farm,” sabi ng TV host.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Hindi niya sukat akalain na dadapuan ulit siya ng sakit noong nagtatrabaho na siya bilang TV reporter.

“Akala ko hindi na ako magkakaroon ng dengue since nagkaroon na ako, so when I was a television reporter and assigned in Manila, tandang-tanda ko pa na late afternoon na ‘yun, nakasalampak ako sa floor while waiting for live on air, naramdaman ko ‘yung kagat ng lamok, ang sakit, matindi, ‘tapos pagtingin ko, nandoon pa ‘yung lamok. So hinintay ko na lang na magka-fever ako which I had, I did for several days, high-grade fever, ‘tapos nu’ng nawala na, ‘yun ang inabangan ko para malaman ko kung babagsak ang platelets ko at do’n ko naramdaman ang sakit ng buto ko, ang sakit ng tiyan ko,” na classic signs ng dengue.

“Nu’ng nagto-toothbrush ako, may bleeding, hinawakan ko ‘yung nose ko, meron na ring dugo ‘yung nose ko, hayan na, punta na sa hospital and I stayed there for three weeks. ‘Buti na lang it wasn’t that serious na fatal kasi kung hindi kakailanganin ko ng blood transfusion, hindi naman. IV (intravenous infusion) at rest lang kinailangan ko at tumaas na ulit ang platelets ko,” kuwento ni Tintin.

Ngayong mommy na siya ng dalawang anak nila ni Julius Babao, na sina Anya (11) at Neo (6)... “Wanna take the chance nu’ng malaman naming may dengue vaccine ay pinapunta ko agad si Antonia sa pedia niya kasi ‘yung six years old ko, hindi pa puwede, dapat nine to forty-five years lang kasi. Kaya hihintayin ko na lang na mag-nine ‘yung bunso ko.”

“Si Julius naman hindi na puwede kasi 48 na siya, overage na, sayang nga, pero ako nagpa-dengue vaccine na ako kasi (Blood) O type positive ako and I am the perfect candidate for dengue vaccine. Kaya kayong lahat (entertainment press at iba pang nasa press launch), magpa-dengue vaccine na kayo.”

May age limit dahil mas effective raw ang dengue vaccine sa mga edad na nabanggit.

Kapit-bisig sina Tintin, Paolo Abrera (asawa ni Suzi Entrata), at Maricel Laxa-Pangilinan sa adovacy na Be A Wall Against Dengue na may kanya-kanyang experiences nang magkaroon ng dengue.

Si Paolo naman, “I had dengue seven or eight years ago and ito ‘yung height ng activeness ko. I was doing triathlon, doing marathons, so feeling ko, fit na fit ako, feeling ko invincible ako. I don’t know where I got it, pero I came down to classic symptoms, high fever went away, ‘tapos ang sakit-sakit ng behind my eyes. It’s a terrible time (talaga) and I was admitted to the hospital. Napaka-powerless ng feeling, napaka-helpless, wala kang magagawa kundi keep you monitored and hydrated. At maski lumabas ka na ng hospital at nasa bahay ka na, nanghihina ka pa rin kaya try to regain your strength.

“Last year ‘yung bunso namin also got dengue, thankfully it’s a mild case but as a parent already that went thru the experience of having dengue parang ayaw mo talagang mangyari especially to people you love and close to, especially to a child.”

Good thing daw na hindi nagkaroon ng dengue and dalawang anak at asawang si Suzi. Kaya ngayong nalaman nilang may dengue vaccine na ay agad silang nagpa-inject.

Dalawang beses namang nagka-dengue si Maricel, noong six years old na hindi pa raw matukoy kung ano ang tawag sa sakit at nitong may asawa na siya.

Pero ang sobrang sakit at ikinalungkot ni Maricel, habang nagsasaya siya sa travel sa Africa kasama ang magulang at mga kapatid para sa kanilang yearly bonding, nangka-dengue naman ang panganay nila ni Anthony Pangilinan.

“Nu’ng bumiyahe kami sa Africa, I kept myself protected from malaria and yellow fever kasi galing din iyon sa lamok, eh, and we were excited to go to Africa to see the safari. Then, nakatanggap ako ng tawag na may dengue ang anak ko, so parang may heart is torn to enjoy the Safari and to fly back to Manila, try to help and see my daughter be well.

“You know, the struggle is real and for me this is close to my heart na ayokong mangyayari ito sa kahit na sinong pamilya. We have our own unique stories to tell, but they are definite solutions that we do not allow other people to go through the same trauma, the same mistakes having exposed ourselves to place na alam naman nating nandiyan lahat ng lamok.

“So, for me it’s very important ‘yung integrated prevention, vaccine is one amazing step and of course, kung may vaccine ka at ‘yung sa pamilya mo na walang vaccine at hindi na puwedeng magpa-vaccine ay hindi mo na kayang protektahan. I believe as communities come together to get educated and then hold hand and say we are going to up this wall against dengue, mababawasan po ‘yung mga cases, or if not sana naman matigil kasi deadly at hindi nakakatuwa dahil sa maliit na lamok na ‘yan, masisira ‘yung trabaho mo, disposisyon mo, gagastos ka ng malaki dahil maoospital ka and for what, di ba? 

“’Buti kung mabuhay ka, e, kung mamatay ka and maraming cases po na ganu’n lalo na sa mga bata,” paliwanag ni Maricel.

Gumaling sa dengue ang eldest nila ni Anthony dahil naiwan naman ang kanyang hubby na nagsabing huwag na siyang umuwi ng Pilipinas dahil ito na ang bahala.

“Sabi ni Anthony, ‘We will be fine, don’t come home, enjoy safari, took pictures there para sulit naman ang pag-alis mo. We’ll just update you,’” natawang kuwento ni Maricel.

Samantala, umabot pala sa 20 years ang pag-aaral at pagtuklas sa dengue vaccine na almost 100% effective at kung mayroon man itong mali ay maliit lang ang tsansa.

Ang mga lugar na most infected hotspots ng dengue ay ang Metro Manila o NCR, Region IV-A or CALABARZON, Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN, Central Luzon, at Western Visayas. (REGGEE BONOAN)