mark_-only-copy

NAGPA-DRUG TEST din sina Mark Herras at Aljur Abrenica at parehong negative ang resulta ng kani-kanyang drug test.

Ginawa sa Makati Medical Center ang drug tests ni Mark na puro negative ang resulta sa cocaine, methamphetamine, morphine at tetrahydrocannabinol. Noong October 14 isinagawa ang drug test ni Mark.

Sa Hi-Precision Diagnostics Plus naman ang drug test ni Aljur ng cocaine, ecstacy, opium, methamphetamine at tetrahydrocannabinol. Puro negative rin ang result ng drug tests ng actor.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Pareho ang rason sina Mark at Aljur sa kanilang pagpapa-drug test, gusto nilang suportahan ang drug-free Philippines campaign ni President Rody Duterte.

Anyway, siguradong masaya si Mark at ibang cast ng Afternoon Prime ng GMA-7 na Sa Piling Ni Nanay dahil extended ito hanggang next year. Mataas ang ratings ng teleserye at malayo pa ang itatakbo ng istorya.

Si Aljur naman ay mapapanood sa third story ng Usapang Real Love titled “Relationship Goals” kapareha si Janine Gutierrez. Sa third week ng November ang target airing nito. (Nitz Miralles)