snooky-copy-copy

MAGKASAMA sa tent sa taping ng Hahamakin Ang Lahat sina Snooky Serna at Marina Benipayo, ang ex-wife at ang current partner ni Ricardo Cepeda respectively. Si Eula Valdez na kasama nila sa tent ang na-tense dahil nag-akalang may bad blood sa dalawa, pero nagulat dahil maayos ang pakikitungo ng mga ito sa isa’t isa.

Nabanggit din ni Eula na bago ang presscon, nabanggit ni Snooky na kinakabahan siya na baka itanong sa kanya si Marina. Inamin din ni Snooky na she was warned by the production na huwag pag-usapan ang tungkol sa kanila nina Marina at Ricardo.

Pero walang nagawa ang production dahil may nagtanong nga tungkol sa samahan ng dalawa sa taping nila sa Afternoon Prime ng GMA-7 na in fairness, maayos nilang nasagot.

Human-Interest

Perwisyo! Netizen gumanti sa kapitbahay na nagparada ng kotse sa harap ng bahay niya

“I want to say truthfully that I am happy and relieved to be able to work with a lady who is very professional. We are very civil with each other. She is a good woman and I wish her all the happiness. Thank you, Marina for taking care of my children,” wika ni Snooky na nasundan ng pag-iyak.

Sabi naman ni Marina, na-inform na siya ng production kung sino ang makakasama niya sa cast ng Hahamakin Ang Lahat. 

“Sinabi na sa akin kung sino ang mga makakasama ko. Trabaho ito, no problem. It doesn’t even register. Okay naman kami. I treat her as Snooky, she treats me as Marina. We’re here to work. Thank you rin, mababait din naman ang mga anak mo.”

Magpa-pilot sa Monday, pagkatapos ng Oh, My Mama! ang Hahamakin ang Lahat sa direction ni Don Michael Perez.

Ginagampanan ni Snooky ang role ni Laura Caraca, maid ni Ivy Tan (Eula Valdez). Si Marina naman ay si Cynthia Tan Ke, older sister ni Ivy. May mga eksena na magkasama sina Snooky at Marina at tiyak na may mag-aabang para lang mag-comment. (Nitz Miralles)