kris-copy

MARAMI ang naintriga sa post ni Kris Aquino sa Instagram last Monday, sa parte na nakipag-meeting siya sa kanyang lawyers. Gustong malaman ng kanyang followers kung ano ang pinagmitingan nila ng kanyang mga abogado. May kinaalaman daw ba ito sa pinirmahan niyang kontrata sa APT Entertainment?

Walang sinagot si Kris sa mga tanong sa kanya at wala ring reaction sa suggestion ng iba niyang followers na itanong ni Kris sa kanyang lawyers kung paano mapapawalang-bisa ang kontrata niya sa APT Entertainment. At kapag napawalang-bisa ang kontrata, bumalik daw siya sa ABS-CBN.

Sa mga darating na araw, malalaman din natin kung para saan ang meeting ni Kris sa kanyang lawyers at kung may kinaalaman ang kontratang pinirmahan sa APT Entertainment.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kasama rin sa post ni Kris ang franchise expansion ng hindi sinabi kung para sa Chow King, sa Mang Inasal o sa Jollibee na pawang may franchise siya o sa Nacho Bimby ni Bimby o ‘yung Potato Corner ni Josh.

Samantala, ipinost ni Michaela Cazzola, ang partner ni James Yap, ang white orchids na galing kay Kris. May caption na, “Beautiful #orchids such a tasteful arrangement. Thank you, @krisaquino.”

Hindi nabanggit ni Michaela kung ipinadala ni Kris ang orchids o dala nila ni Bimby nang bumisita sila sa bahay nina Michela at James.

Ipinost din ni Michela ang picture nila ni Bimby, silang dalawa lang at ang caption ay, “My baby boy (Michael James o MJ na anak nila ni James) met his brother today.” (NITZ MIRALLES)