Nais ng United States na makisangkot pa sa kampanya laban sa Islamic militancy sa Mindanao, ayon kay US Ambassador Philip Goldberg.

Sinabi ni Goldberg na seryoso ang banta sa seguridad sa Mindanao, lalo na’t nagpapalakas doon ang mga dayuhang militante, kabilang na ang Islamic State (ISIS).

“We’ve helped the Philippines as it has reduced the threat over time,” ayon kay Goldberg sa ANC.

“But we are concerned obviously about any new intrusion of ISIS or any other group that wants to take advantage of open space in the south of the Philippines. So we want to continue doing that,” dagdag pa nito.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Ang US ay nakapagpadala na ng hanggang 600 tropa sa Mindanao, kung saan hinasa nila ang mga lokal na sundalo kung papaano labanan ang Islamic militants sa rehiyon.

Sa kasalukuyan, umaabot pa sa 100 Amerikanong sundalo ang nasa Mindanao, ayon pa kay Goldberg.

Sa panig ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi nito na umaasa siya na darating ang panahong wala nang dayuhang sundalo sa bansa.

Sa press briefing bago tumulak sa Japan ang Pangulo, sinabi niyang “I look forward to the time where I no longer see any military groups or soldier in my country, except the Filipino soldier.”

“I really hate it. I don’t want it. We don’t need it. There’s not going to be any war in the future,” ani Duterte.