Hindi pa nagsisimula ang boxing, kaagad na nakatikim ng dagok ang grupo si boxing chief Ricky Vargas nang umatras bilang kandidato sa pagka-auditor si Ting Ledesma, pangulo ng table tennis association.

Kabilang si Ledesma sa line-up ni Vargas nang magtungo nitong Lunes at magsumite ng kanyang kandidatura para labanan si Jose ‘Peping’ Cojuangco sa pagkapangulo ng Philippine Olympic Committee (POC)

Nagtungo mismo si Ledesma sa opisina ng POC-PSC Media Group kung saan ipinahayag niya ang pagatras sa posisyon na ibinigay ng grupo ni Vargas.

“May nakipag-usap sa akin sa FB page ko na nagtatanong kung payag ako pero hindi ko naman naintindihan na para sa eleksiyon iyun ng POC,” ayon kay Ledesma.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Aniya, walang pormal na paguusap na naganap sa pagitan ng grupo ni Vargas.

Si Ledesma ay kilalang kaalyado ni Cojuangco. Naging pangulo siya ng TATAP sa eleksiyon na ipinag-utos ng POC.

“Natakot siguro kay Peping,” pahayag ng isang opisyal na tumagging pangalanan.

Kasama ni Vargas sa grupo sina Tagaytay City Congressman at Integrated Cycling Federation of the Philippines (PhilCycling) president Abraham “Bambol” Tolentino (chairman), Negros Occidental Congressman at Philippine Badminton Association (PBA) secretary general Albie Benitez (1st vice president), dating Philippine National Police (PNP) General at Muay Association of the Philippines (MAP) president na si Lucas Managuelod (2nd vice president) at Samahang Basketbol ng Pilipinas Renauld “Sonny” Barrios bilang (treasurer).

Bagaman wala pang inihahayag na lineup, inaasahang makakasagupa ni Tolentino bilang POC chairman ang kasalukuyang nakaupo sa puwesto na si Triathlon secretary general na si Tom Carrasco habang makakalaban ni Benitez si Jose Romasanta ng Larong Volleyball ng Pilipinas Inc. (LVPI).

Makakatapat ni Managuelod bilang 2nd VP ang may hawak sa posisyon na si Jeff Tamayo habang makakasagupa ni Barrios bilang treasurer ang may hawak na si Julian Camacho na secretary general ng Wushu.

Makakatapat sana ni Ledesma bilang auditor si Jonne Go na pangulo ng Canoe-Kayak. (Angie Oredo)