marian-zia-2-copy

WALA pang plano si Marian Rivera para sa first birthday ng unica hija nila ni Dingdong Dantes na si Baby Letizia, sa November 23.

Last Sunday, October 23, nakausap namin si Marian sa studio ng Sunday Pinasaya at binati namin dahil eleven month old na nga si Zia. Kaya nabanggit niya na wala pa silang engrandeng birthday celebration ng kanilang unica hija, baka raw family affair lang, depende kung ano ang mapag-uusapan nila ni Dingdong.

Sa ngayon ay kaligayahan nilang mag-asawa si Zia at alaga na siyang i-post ng ama sa kanilang Instagram accounts, tulad noong post nito na nakasuot ng Snow White costume with a caption na, “Halloween is my second favorite holiday next to Christmas. Here she is embracing it on her 11th month. Good job on the costume, Mommy! #MariaLetizia.”

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Ang post naman ni Marian: “Haay mahal ko, hindi ako magsasawang titigan ka araw-araw. At kahit kailan, di ako mapapagod na alagaan ka. I love you, Anak!”

Bagamat mag-iisang taon na si Zia, patuloy pa rin ang breastfeeding ni Marian sa anak. Nai-promise niyang hanggang may milk pa siya, hindi siya titigil sa pagbibigay nito kay Zia.

Busy ngayon si Dingdong sa top-rating action-drama series nito sa GMA-7 na Alyas Robin Hood. Si Marian, malamang na next year na gumawa ng bagong drama series. Hihintayin lang niyang matapos ang taping ni Dingdong, para may mag-alaga kay Zia kapag siya naman ang nagti-taping.

Every Sunday lang naman ang kanyang musical-variety show. Pero looking forward sina Marian at Dingdong sa Christmas trip nilang mag-anak sa Spain, para makita ng kanyang Lolo Fran at family nito si Zia.

By the way, ipinaaabot ni Marian at ng buong production staff ng Sunday Pinasaya ang pasasalamat sa pagbibigay sa kanila ng Best Musical-Variety Show award ng Philippine Movie Press Club. (NORA CALDERON)